K M L

Blow candles every 2nd of August. Freshman at UPLB.
A Human Ecology student but wants to be an electrical engineer.


ShoutMix chat widget
Layout by Caye with colors from Colourlovers and the banners from TheFadingNight.
wild days
Ang Love parang...//
Wednesday, March 9, 2011 @ 10:43 PM

Dahil sa sinisipag akong magblog ngayong gabi, magbblog ulit ako.

Kanina, habang nakatunganga ako ng wagas, naisip ko na ang love ay parang magiging buhay mo sa college. HAHA. Weird ng paraan ng pagcocompare ko. Pero naisip ko na tama naman kahit papano. Here, I'll share my reflections about it:


1. Bago ka pa man magcollege, may university/college ka na agad na gustong pasukan. Like for example, pangarap mo na talagang pumasok sa LaSalle. Ako nga dati, gusto ko talaga sa Ateneo. Forreal. Dahil kay Chris Tiu. HAHA. Pero nawala un nung hindi ko napasa ung application form on time. :)) HAHA. Dun ko napag-isip-isip na baka hindi talaga para saken. Tsaka, may conflict din un in terms of financial. Pamasahe palang at baon ko, for sure ubos na. What more pa pagdating sa tuition ko.
Parang love. Maihahalintulad mo ung mga universities na yun sa ideal type mo. Gusto mo ung ganito ganyan. Kumbaga, nagseset ka ng standards na gusto mong maachieve para masabi mo nasiya ung the right one. Pero syempre, hindi maiiwasan na mabreak ung mga standards na yun kasi may nakilala kang iba. Hindi man nameet ung standards na binigay mo, pero napatibok naman ng bongga ung puso mo. Odba, pak na pak! :)) Remember, walang taong perfect. Laging may kulang yan. Yun nga lang, kelangan mong punan ung pagkukulan g na yun para masabi mong "He/She is perfect for me". :)

2. Ang love parang kurso na kukunin mo sa kolehiyo. Kailangang pag-isipan ng mabuti. Kailangang paghandaan. Kailangang gusto mo. Hindi gusto ng iba. Bibihira lang kasi ung nagiging successful sa course na iba ang may gusto hindi yung mismong kumuha. Parang love. Hindi nagiging masaya ang isang relasyon kung ang pinili mo e ung dinidikta ng kapwa mo. Like duh. Ikaw ang makikipagrelasyon. Hindi sila. Sila, tagabigay-payo lang pero hindi ibig sabihin na kailangan mo silang sundin. You have to decide for yourself. Para sa bandang huli, wala kang sisihin. Walang regrets.

3. After mong makapasok sa university, may mga requirements na kelangang ipasa. Nandyan ung kelangan mo ng kopya ng 2x2 picture, scholarship forms, atbp. Nakakasawa ring magfill-up nung application form dahil paulit-ulit lang naman ang mga tinatanong. Kelangan mo ring magpamedical like x-ray and other stuff. In short, umpisa palang, hectic na agad.
Parang love. After mong mameet yung taong 'love' or 'like' mo, kelangan mong mag-effort. Saktong term para sa mga nanliligaw. Boys, hindi porket pinayagan na kayo ng girls na manligaw sa kanila e pa-easy-easy lang kayo. Lalo na't kung alam nyo na like din kayo nung girl. Duh. Kahit na ganun e naghhanap pa rin ang babae ng reason kung karapat-dapat ka ba talaga. You have to earn her trust. Paano? Do some effort naman. Anuba. Do your best in everything you do just to win her heart. Do everything in a good way. Yea, it takes a lot of time. But surely, it would be worth it when you hear the word "Yes".
And girls, wag naman agad paloko. Pahirapan nyo naman kahit papano. Even though gustung-gusto nyo nang sagutin ung guy, isipin nyo muna ung maaaring mga mangyari if ever na sagutin nyo. Wag nyong madaliin ang sarili. Have time to think about those things.
Isa pang aspeto nito e ung kayo na. Yung tipong away-bati-away-bati mode kayo. Oo, nakakapagod ung mga ganun kasi paulit-ulit lang ang mga nangyayari. Kapag ganun, parang minsan kelangan mong magsorry. Or the other way around. Yun ung nagiging problema.
Some people tend to break up with their partners dahil nagsawa na sila. Napangunahan sila ng takot na mauulit ung mga nangyayari kaya inuunahan na agad nila. Ang saken naman, if there's a will, there's a way. Martir na kung martir pero kung mahal mo talaga ung tao, you have to sacrifice. Sabi nga ni Mother Theresa, "Love until it hurts". Ganun ung love e. Laging may kalakip na sakit. Hindi magiging msarap ang mainlove kung wala kang nalalasahang pait.
Pero syempre, kung alam mo nanaman sa sarili mo na sobra na, itigil mo na. Huwag mong saktan ang sarili mo. You'll meet someone better. :)

4. Teneeeeeeen. Nakapasok ka na sa university. You have the schedule of your classes. Kung nagddorm ka naman e you're trying to cope with your environment. Pero minsan hindi maiaalis ung over-confident tayo sa paligid. Yung parang super sanay na tayo sa nangyayari na hindi natin namamalayan ung mga mali natin. Some tend to join the fraternities for fun. Some lose their virginity because they think it's cool. And sometimes, some tend to forget to set their priorities first.
Parang sa love. When you're in a relationship, hindi nagtatapos ang lahat sa pagsagot ni Girl. Both of you should have the initiative na i-sustain ung tradition of excellence =)) Lol. I mean, i-sustain ung love for each other. Malamang sa malamang, may iba dyan na maghahanap ng iba habang nasa relasyon pa. Jusko naman. Pwede naman kasing one at a time. Be loyal. Unahin muna ung partner mo bago ang iba. Besides, you have to prove to each other na nararapat maging kayo. Hindi pang-display lang.

5. Sa college, hindi mawawala ung tinatawag na pag-shift ng courses. Nagshishift ang student dahil sa hindi nya nakuha ung mismong first choice nya nung nag-enter sya ng campus dahil di sya nakaabot sa quota OR dahil nabagsak nya ung course nya at kinakailangan na nyang maglipat-course. Pero yung iba, jusko po naman. Iniisip na ang pagshishift ng course e parang game lang. Pili lang ng pili. Kung ano ung maganda, dun. Kapag pangit, lilipat nalang ulit.
GANYAN NA GANYAN SA LOVE. Sus. Love pa bang matatawag yun? E parang infatuation lang ah. Yung tipong ngayon, kay A ka. Aba. Sinabihan ka lang ni A na maghintay, lumipat ka na agad kay B. Tas kapag medyo nag-aalangan ka na kay B, lumipat ka na kay C. Kapag nalaman mo naman na marami kang kaagaw kay C, lilipat ka na kay D. HOY, UUBUSIN MO NA ATA UNG LETRA SA ALPHABET. Baka gusto mo nang isama ung mga Real Numbers nyan.
Kung ganyan gawain mo, itigil mo nalang ang kahibangan mo. First of all, that is not love. Love is patient. Love is kind. Love is pure. Love is absolute. E ung sayo? Konting mali lang, umaayaw ka na. Helloooooooo~ If you love someone, go for it. Hindi ung maghahanap ka na ng iba. Nakaka-leche.
Sa mga lalaki, huwag namang mag-ipon ng mga laruan. Bakla ka ba? Dami mo ng Barbie, gusto mo pa rin ng panibago? Sungalngalin kaya kita? /:) JOKE. Ang pagiging lalaki ay hindi nasusukat sa dami ng mga babae mo. Nasusukat yun sa kung paano mo kayang panindigan na mahal mo ung babae. Gets?
Tapos kapag nakasakit ng iba, sorry? Sorry is all that you can say? E kung hindi ka nalang nakasakit, edi hindi ka na magsosorry. Isip! :|
Maaapply din ito sa mga taong walang patience. Leche lang ha. Huwag maging maapura. There's time for everything. Bat kelangang magmadali? Tsaka kung kayo talaga, kayo talaga. Huwag mong pangunahan ang oras. Nakakainis. So what kung hindi kayo magkikita sa hinaharap? Does it mean na mamadaliin mo na agad? Oh c'mon. Don't be selfish. Just shut the fck up. That would be better. :)

6. After college, ikaw na magdedesisyon sa landas na pipiliin mo. Magmamasteral ka ba agad? Magtatrabaho? Mag-aasawa? Depende sayo. Kasi nasayo na kung pano ka aasenso.
Yun nga lang ang kaibahan sa love. Ang love kasi hindi yan natatapos e, which is true love. Yung true love kasi, hahanap-hanapin mo. Kahit sino pa man makilala mo, babalik-balikan mo pa rin ung taong talagang minahal mo. And, when both of you decided to get married? Nasayo na yan. Ang cycle naman ng love ay paulit-ulit. Kaya kelangan mong matuto sa bawat pagkakamaling nagagawa mo. :)


____________
Hahaha. Dami kong alam no? Pauso lang talaga. Tinatamad pa kasi akong gumawa nung assignment ko sa training e. Lol.

Sigeeeee. Alis nako. Pinapatulog na niya ako e. =)) HAHA. Kanina pa actually. Good night. :)

Labels: , , , ,