K M L

Blow candles every 2nd of August. Freshman at UPLB.
A Human Ecology student but wants to be an electrical engineer.


ShoutMix chat widget
Layout by Caye with colors from Colourlovers and the banners from TheFadingNight.
wild days
...//
Wednesday, March 9, 2011 @ 10:24 PM



Wuuuut. Tapos na ang Periodic Tests and yes, practice na para sa nalalapit na Graduation Day. Day 2 ng practice today. Unfortunately, I was not able to attend dahil kelangan ko daw munang iprioritize ang contest. K. Patapos nanaman e. :)) Haha. 1month to go na laaaang.

Ayun. I went to school early kasi nga for the training. Good thing na nakaattend pa ako ng mass. It's Ash Wednesday kasi so parang feeling ko kelangan ko talagang umattend. From time to time tinitingnan ko kung nagtext si Mam. Hindi pala sya nagtext. Iba pala. =))

Then after ng mass, saka si Mam dumating. Wiii, then we went to Manuel Roxas High School. Bale, sa Pandacan un banda. Pagdating namin dun, di pa nagsisimula ung trainer ko na magpa-activity. Merienda ulit kami ni Mam. Coffeeeeee :-bd

Infairness naman, angganda nung conference hall nila. So malamig likeyeah. Naninigas na nga binti ko sa lamig e. AMP. :)) Buti nalang naka-pants ako. So hindi ko masyadong nafeel.

Then we tackled our pieces and they gave us some advices regarding dun sa mga mali ko. Actually, natutuwa ako eveytime na may napupuna silang mali especially pag paragraph by paragraph ung mali ko. =)) Parang mas ginaganahan ako sa ganun kesa sa okay lang ng okay yung sinasabi. Kumbaga, mas may thrill kapag inookray gawa ko. :)) Inookray in a good way.

Pinakainkami ng lunch. Wii. Pinakbet ang ulam. Lalala~ Tagal ko nang hindi nakakakain nun. Parang taon na ata e. Lol. Then, naglaro muna ako ng MegaJump at Coin Dozer. Nang mapagod na ako, sinimulan ko na ulit ung task.

Napansin ko rin na matagal na akong gumawa ngayon ng piece. HNNNNGGG. Sabi nga ng trainer namin, 1hour lang ang contest. E feeling ko e ung 1hour na yun e nag-iisip pa rin ako. T_T Ohgahd.

Sulat-sulat-sulat.
Nakakapagod. HAHAHA. Forever comment nila ang maganda kong sulat ngunit lakihan ko nga lang daw. =)) K.

Then, maaga kaming natapossss!! Yey. Balik ulit ako sa MaSci at pumunta ng McDo kasi naffeel ko na andun ang presensya ng Agalubs.

What a tiring day. Buti nalang :))
LOLJK.


~ Yung picture sa taas, display lang yun. XDXD

Labels: , , ,