Blow candles every 2nd of August. Freshman at UPLB. A Human Ecology student but wants to be an electrical engineer. Ate Trishia Palconit Claudine Faylogna Cleverlyn Mayuga Daine Basco Danielle Gardaya Denise Dimpas Eldie Villeno Eponine Sindayen Iana Madlangbayan Jessica Grace Rañola Jessica Zafra Jhubielyn Garachico Jonah Garcia Joannes Castro Kimberly Capeding Leicelle Uriarte Louisse Palomo Marianne Magbanua Michiko Kaimoto Mixi Ignacio Monique Luna Nicole Padua Quotesbox Rachelle Gonzales Romae Bargo Roselyn Rima Seanne Patinio Zaira Baniaga |
Random facts//
Friday, May 6, 2011 @ 4:09 PM
Comments (0)
Day 1: A picture of yourself plus 15 facts ---------- 1. Currently residing in Imus, Cavite with my family and our housekeeper. 2. Nag-elementary ako sa Cavite. Nag-high school sa Manila. Mag-cocollege sa Laguna. Owgawsh. I love to travel. =)) 3. I had a half-sister namely Ate Celine. She's 4years older than me at nasa US na sya ngayon. Bale, anak sya ng father ko sa pagkabinata. Good thing, best friends ang ate ko at ang aking nanay. Mukha na nga silang totoong magnanay e. :> 4. Dati nung high school ako, bago ako pumasok ng school e para akong nirape. Hindi naka-butones ang blouse ko, minsan naman hindi pa ako naka-socks. Tas ung sapatos ko di ko pa rin nasusuot, hindi pa rin ako nagsusuklay magmula nang maligo ako, at ang mga gamit ay hindi pa rin nakaayos. Look how neat I am. :) 5. Natutuwa akong pagtripan ang tatay ko. Ito yung mga tipong bad trip na nga siya dahil pagod buong araw tapos heto ako't guguluhin sya. Like, aasar-asarin sya or mambabara. Ohwell, what else can I do? Ganun ako maglambing. :)) 6. I love to buy clothes and shoes. Yes, I really do. Pero sabi nga nila, ang babae madaling magsawa. Kaya ayun. Sa una ko lang nagugustuhan yung mga binili ko. After sometime, di ko na ulit sila isusuot or gagamitin. That's the reason why tinamad na akong bilhan ng nanay ko. HAHAHAHAHA. 7. Nung 5years old ako, pinalo ako ng nanay ko ng sinturon sa pwet. Pano ba naman kasi, nagrecord ako ng mga kanta sa FM radio (like mga kanta ni April Boy). Okay sana kaso narecord ko yun sa tape na puro nursery rhymes. T_T Naging ganito tuloy ang kinahinatnan,
8. Hindi pa ako nakakatikim ng isaw. Masarap ba yun? 9. Ako yung tipo ng tao na gustong pumayat. Pero hindi maachieve yung gusto dahil hindi matiis ang temptations ng food. Gusto ko tuloy makahanap ng libro na How To Eat Lots of Food Without Gaining Weight 101. Kung meron man, pahiram. 10. Inaasar ko dating ampon si Joanna. HAHA. Pano ba naman kasi, sa aming tatlong magkakapatid, siya lamang ang naiiba ang kulay at itsura. Well, nauto ko naman sya dati. Kaya ayun, madalas nagddrama noong bata pa sya. ;) 11. Crush na crush na crush na crush na crush na crush ko dati si Rico Yan. Grabe, as in napapaiyak na ako nung nalaman kong dedz na sya. Tas nalungkot rin ako na nagkatuluyan si Raymart Santiago at Claudine Barretto. =)) Minsan nga e winish ko na sana nagkatotoo nalang yung story ni Claudine at Rico sa Got 2 Believe. 12. Hindi ako marunong magbike! Juskopo. Although minsan e nakakapagpedal nako ng kaunti. But still, I need some practice. =)) 13. Naaasar ako sa mga taong paasa. Bat ba hinayaan ni Lord na buhayin ang mga ganung tao? Itz zo deprezzing to have them on this lovely world. They're just polluting our peaceful minds anyway. Oh, I forgot. I think I'm one of them. 14. Hindi ako marunong maglinis ng kwarto. Haha. Kaya madalas akong napapagalitan e. Pano daw ako nakakasurvive sa ganun kagulong environment. Ohwell, I'm just used to it anywaysss. :)) And thus, ako ay nag-aalala sa magiging kalagayan ko sa aking dorm sa pasukan. 15. In fairness, nahirapan akong mag-isip ng 15 facts tungkol sa akin. =)) Labels: 15facts, day challenge, day1, picture |